Sa life,andami nating ideals. Ideal job, ideal parents, ideal tropapipz, ideal bff, ideal ultimate crush, ideal food, ideal streetfood, ideal teacher, ideal type of day, ideal baby, ideal type ng man o woman, ideal partner or kahit nga mga ideal kaaway, masyado tayong mapili. Well, sabi nga ng mga hipsters, YOLO aka You only live once. Pipili ka rin lang, piliin mo na ung the best out of the bunch. Para kang namimili sa divisoria, lahat ng nakatambak, piso kada isa. Siyempre, kung may piso ka lang sa bulsa, pipili ka ng worth ng piso mo. Swerte mo kung may 5piso ka, madamidami din yun. Pero at the end of the day, sa paghahanap mo ng ideals mo, mahuhulog at mahuhulog ka pa din sa bitag ng mga "pwede na rin". Paano kung sa "pwede na rin" ka bumagsak? Anong say mo? Mag-rationalize ka nalang o I-justify ang mga bagay bagay na sa totoo lamang, ikaw at sarili mo lamang ang kinoconvince mo. Dami daming fish sa sea, totoo yun at maniwala ka dun. Sabi nga, wag na wag kang susuko. Practice makes perfect. Para yang lalaban ka sa contest, paano mo makukuha ung pagiging grand winner kung di ka man lang ngrehearse? Sa pagrerehearse kasi, nagkakamali ka, naicocorrect ka at higit sa lahat pwede kang tumigil at umulit ulit sa umpisa. Ulit ulitin mo hanggang maperpekto mo. Wag na wag kang susuko sa life brah. Sabi nga, prepare for the worse, but be your best self. Isang araw, may madadapa nalang sa harap mo, tpos magugulat ka, kasi baka yun na! Basta may madapa, tumigil o lumingon sa iyo, pwedeng sya ung ideal mo. Un nga lang, sana di ka aligaga para di mapansin, baka malampasan ka. Dun, ikaw na talaga ang may kasalanan. Wag mo na sisihin ang tadhana.
♥jem
Friday, January 03, 2014
Bubbly notes by Moi: PERPEKSYON
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment